Thursday, May 20, 2010

LP: 02. Pamilya (Family)

ako si yen
What does my hand have to do with Litratong Pinoy's theme for this week? I spent some time last night thinking of what to share in LP. And, here it is. Fingers. Family. What's the connection?!

All of you are surely familiar with the nursery song "The Finger Family" wherein Daddy Finger (thumb), Mommy Finger (index finger), Brother Finger (middle finger), Sister Finger (ring finger) and Baby Finger (little finger) are part of it.

My family is like that, too. ^^,
  • Thumb is Papa Rey (Daddy Finger).
  • Index finger is Mama Tina (Mommy Finger).
I don't have any brothers so there is no Brother Finger.
  • Middle finger is my oldest sister Ria (Sister Finger).
  • Ring finger is me (Sister Finger).
  • Little finger is Aissa (Baby Finger).

Got it? ^^,


Hmmm... my sisters and I were orphaned at an early age. It's sad of course. But, God is really good. We overcome the daily challenges coming our way. And, God doesn't lack on giving us our needs.

The three sisters were left alone. But, big brother Wilson is there. He is a one of a kind brother-in-law. He serves as our older brother and father (and our clown too!) at home.

From a family of five to a family of four. That's my family.

Happy LP and a nice Thursday to all of us! (Don't forget to click the LP logo below.)





Ano ang kinalaman ng aking kamay sa tema ng Litratong Pinoy ngayong Linggong ito? Kagabi ko pa pinag-isipan kung anong larawan ang aking ibabahagi sa LP. At ito nga ang aking naisip. Mga daliri. Pamilya. Anong konek?!







Pamilyar kayo panigurado sa nursery song na "The Finger Family" kung saan kasama sina Daddy Finger (hinlalaki), Mommy Finger (hintuturo), Brother Finger (hinlalato), Sister Finger (palasingsingan) at Baby Finger (hinliliit).


Parang ganyan din ang pamilya ko eh. ^^,
  • Para sa hinlalaki, si Papa Rey (Daddy Finger).
  • Para sa hintuturo, si Mama Tina (Mommy Finger).
Wala akong kapatid na lalaki kaya walang Brother Finger.
  • Para sa hinlalato, si Ate Ria (Sister Finger).
  • Para sa palasingsingan, ako (Sister Finger).
  • Para sa hinliliit, si Aissa (Baby Finger).


Gets nyo na? ^^,


Hmmm...sa ngayon, naulila na kaming magkakapatid. Malungkot syempre. Pero, mabait ang Diyos eh. Nalalampasan naman namin ang pang-araw-araw na pagsubok. At, di nagkukulang ang Maykapal sa pagbibigay ng aming mga pangangailangan.


Naiwan ang tatlong maria. Pero, andyan naman si Kuya Wilson. Isa syang dakilang bayaw. Siya ang tumatayong kuya at tatay (at payaso din!) sa aming tahanan.


Mula sa lima, naging apat. Yan ang aking pamilya.


Maligayang LP at magandang Huwebes sa ating lahat! (Huwag kalimutang i-klik ang LP logo sa ibaba.)



10 comments:

  1. Ay oo nga.. I remember yung mga paper puppets na nilalagay sa daliri tapos sinasayaw sayaw. Ang galing ng lahok mo ngayon!

    At salamat sa pagdaan sa aking LP entry ngayon. Happy Huwebes!

    ReplyDelete
  2. ang kyut naman ng paghahambing mo sa mga daliri..nakakalungkot din na kulang na kayo.

    ReplyDelete
  3. Gets! Very nice analogy! Hehehe, kung hindi ako natutong mag blogging, linggo linggo akong magpalit ng manicure. Meron akong green at blue!

    Ang wala lang diyan ang mga parents ko, maagang nagpaalam, at hindi nakakita ng apo....

    Salamat sa pagbisita.

    Ebie.

    ReplyDelete
  4. sa tingin ko, higit pa sa dugo o atas ng batas, yung lalim ng ating pakikisama, pakikitungo, pagmamahal sa bawat isa ang siyang tunay na sukatan ng pagiging magkakapamilya =]

    here's to more happy years together as a strong, united, loving family =]

    ReplyDelete
  5. ang galing ng analogy. kakaibang entry!

    ReplyDelete
  6. Naalala ko tuloy ang nagiisa kong Kuya,kasi Wilson din ang pangalan nya at sya din ang clown ng pamilya,kasi ichura pa lang nya,matatawa ka na, lol!

    ReplyDelete
  7. Hahaha I like your post at napag-isip ako sandali nung nakita ko ang mga fingers hehe. Salamat sa pagbisita.

    LP~ Pamilya

    ReplyDelete
  8. Gets ko din :-) Oo nga naman,
    Pero ang cute ng mga daliri ha... hindi ko na aalala kung kelan ako huling nag-manicure haha! Siguradong taon na ang binilang.

    ReplyDelete
  9. Nag-enjoy naman ako sa pagbabasa. Infairness, ang cute ng mga yan. Salamat sa iyong pagbisita sa aking blog

    ReplyDelete
  10. Yes beautiful analogy of the five fingers. You are a very string woman!
    http://canadianscrapbookerblog.com/2010/05/19/pamilya-family-lp/

    ReplyDelete

Thanks for dropping by and for taking time to jot down your thoughts! ^^,

Oh, they make me excited! (~_^)

Salamat! Kamsahamnida! Arigato! Thanxie!